Martes, Abril 18, 2017

Araw ng Baybayin (Baybayin Day)



Buwan ng Katutubong Panulat(Baybayin Day)
          Sa buwan ng Abril ipinagdiriwang ang "Buwan ng mga Katutubong Panulat" kung saan nakapaloob ang "Araw ng Baybayin (Baybayin Day) tuwing ika Abril 21.
           Unang ipinagdiwang ang Araw ng Baybayin nuong Abril 21, 2016 sa pangunguna ng mga Baybayinista sa Internet.

Sinimulan at pinalago ng mga sumusunod na Baybayinista/Mangbabaybayin:

Chuck Atienza - Nagpasimula ng Layunin ukol sa Araw ng Baybayin
                          - Bumuo ng FB Page na: Baybayin - Araw ng mga Katutubong Panulat(Marso 21, 2016)
                          - Bumuo ng FB Page na SB21(Sulong Baybayin nuong Marso 24, 2017)
Marthy Austria - Inumpisahan ang pangkat FB Page na "Sulong Baybayin(Hulyo 27, 2015)" at isinama ang layunin para sa "Araw ng Baybayin" sa bagong pangkat na SBA21(Sulong Baybayin Abril 21.
Tim Liwanag - Gumawa ng logo ng SBA21 at nanguna sa Baybayin day workshop sa Pangasinan at maging sa Online na pagpapalaganap.
Jayson Villaruz - Binuo ang "Baybayin Day" FB Page nuong Enero 16, 2016.

Maikling Patungkol sa Araw ng Baybayin Abril 21

Ang Abril 21 ay napili mula sa mga hinalal nuong 2015 ng mga Baybayinista sa FB Baybayin group dahil sa mga sumusunod na dahilan:

         1.)  Ang buwan ng Abril ay hinayag noong Pebrero 2015 ayon sa Proclamation No. 968 bilang Pambansang Buwan ng Panitikan ayon kay Jayson Villaruz.
         2.) Unang nasulat ang kasaysayan ng Pilipinas sa Tanso ng Laguna nuong Abril 21, 900 AD ayon ulit kay Jayson Villaruz. Ang binatbat na sulat sa tanso ay sulat kavi, sa kasalukuyang Baybayin bill naman ang Kavi ay magiging sakop ng umbrella term na Baybayin. May mga tuntunin at paraan sa Kavi na sinama sa Makabagong Baybayin.
         3.) Isa pa sa mga pinanukala ni Jayson Villaruz ay Setyembre 1(Araw ng Baybayin) at buong buwan ay Buwan ng Katutubong Panulat. Ang buwan ay sumunod sa Buwan ng Wika, gayunman kaunti lamang ang naghalal.
         4.) Hinalal naman ni Marthy Austria ay Setyembre 11 o 911 ngunit kaunti lamang ang naghalal.

Araw ng Baybayin (Baybayin Day)

Buwan ng Katutubong Panulat(Baybayin Day)           Sa buwan ng Abril ipinagdiriwang ang "Buwan ng mga Katutubong Panulat" ku...